P4-M natupok sa sunog
August 16, 2004 | 12:00am
Aabot sa P4 milyon ang halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy sa isang pabrika ng tela kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Nabatid na dakong alas 9:10 ng gabi nang magsimulang tupukin ng apoy ang Rag-Eesam Garment Factory na matatagpuan sa Dagat-Dagatan Ave. ng nasabing lungsod.
Tumagal ng walong oras at umabot sa 5th alarm ang naturang sunog.
Lumilitaw na posibleng faulty wiring ang dahilan ng sunog hanggang kumalat ito sa mga tela dahil wala namang narinig na anumang pagsabog ang mga residente.
Bagamat walang naulat na namatay o nasugatan, nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection upang matukoy ang sanhi ng sunog. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended