^

Metro

2 lalaki utas sa baril

-
Dalawang lalaki ang namatay matapos na mabaril ng mga hindi pa nakikilalang suspect sa magkahiwalay na insidente sa Quezon City kamakalawa.

Sa imbestigasyon ng CPD-CIU, dakong alas 9:30 ng gabi ng pagbabarilin ng suspect ang biktimang si Alvin Bacani, 33, isang tricycle driver ng 1375 Kalapati St. Unt-5, Brgy. Commonwealth ng nasabing lungsod.

Naghihintay ng pasahero ang biktima nang bigla itong barilin ng pitong ulit ng suspect sa harap ng Riverside Market sa Commonwealth Ave. at mabilis na tumakas.

Samantala, nakilala naman sa kanyang identification card ang isa pang biktima na si Wilson Valdez ng Sarmiento St. Brgy. Sta. Monica, Novaliches, Q.C.

Ayon sa pulisya, dakong alas 9:40 ng gabi ng makarinig ng putok ng baril ang mga residente at nakita na lamang nilang nakahandusay na ang biktima at naliligo sa sariling dugo. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ALVIN BACANI

AYON

BRGY

COMMONWEALTH AVE

DORIS FRANCHE

KALAPATI ST. UNT

QUEZON CITY

RIVERSIDE MARKET

SARMIENTO ST. BRGY

WILSON VALDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with