Batay sa report na tinanggap ni Makati City Jailwarden Supt. Edgar Bolcio, si Zoraida Macandog ng 1077 Del Pilar St. Brgy. South Cembo ay dumaan sa inspection ni JO2 Eva Tenedora dakong alas-4 ng hapon sa nasabing kulungan upang dalawin ang preso na si Orlando Vina ng selda 5.
Aminado si Tenedora na hindi kahina-hinala ang kilos ni Macandog, subalit nang inspeksiyonin naman nito ang dalang pagkain ng huli, nakita niya sa loob ng langgonisa ang puting bagay na nakasiksik sa pagkain.
Dahil dito napilitan siyang busisiin pa ang langgonisa at nakita niya ang limang sachet ng shabu.
Samantala, sinabi naman ni BJMP chief Director Arturo Alit na mahigpit ang kanilang kampanya laban sa pagpapasok ng mga kontrabando sa city jail dahil kailangang magsilbing rehabilitasyon ang mga kulungan sa bansa.
Sa katunayan, ipinagbabawal na rin nila ang pagpapasok ng mga dalaw kung hindi kapamilya ng mga preso. Aniya, kailangang magpakita ng marriage certificate at identification card ang sinumang dadalaw bago papasukin sa mga jails.
Idinagdag pa ni Alit na mahigpit ang kanilang regulasyon na mga lehitimong asawa at anak lamang ang maaaring papasukin sa kulungan tuwing oras ng dalaw. (Ulat nina Lordeth Bonilla at Doris Franche)