Nakilala ang mga ito na sina Carlito Sinday, 44, may-ari ng lumubog na FB 02 Brothers; Eddie Musqueto, 46, kusinero; Tony Dacay, 45 at anak nito na si Tony Jr., 21; Nenito Echavez, 33 at anak na si Jolly 16; Alex Namucot, 29; Randy Sardiva, 25; Egleen Marcellana, 25; Leonel Lao,23; Rodel dela Pena, 24; Rene Maturan, 20; Samuel Billones, 34; Allan Taleb, 18 at Jaypee Cani, 16.
Ang grupo ng mangingisdang Pinoy na pawang tubong Malapatan Island, Saranggani ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport dakong alas 6 ng gabi lulan ng Palau Micronesia Air flight PD 200 mula sa Koror.
Ayon kay Sinday, isang himala ang kanilang kaligtasan dahil sa apat na bagyo ang kanilang pinagdaanan sa loob ng dalawang buwang palutang-lutang sa karagatan habang nakakapit sa tumaob na fishing vessels.
Nabatid na Mayo 17 pa ng pumalaot sila sa karagatan ng Mati, Davao del Sur subalit sinawing palad na masiraan ng makina hanggang sa mapadpad sa Yap Island at makita ng mga residente ng Chuwk Island na nasasakupan ng Federated States of Micronesia. (Ulat ni Butch Quejada)