^

Metro

15 Pinoy fishermen, balik-pamilya na

-
Nakabalik na sa kanilang mga pamilya kahapon ang 15 Pinoy na mangingisda kabilang na ang dalawang menor de edad na nasagip ng mga Federated States of Micronesia makaraan ang may dalawang buwang nagpalutang-lutang sa karagatan ng Yap Island.

Nakilala ang mga ito na sina Carlito Sinday, 44, may-ari ng lumubog na FB 02 Brothers; Eddie Musqueto, 46, kusinero; Tony Dacay, 45 at anak nito na si Tony Jr., 21; Nenito Echavez, 33 at anak na si Jolly 16; Alex Namucot, 29; Randy Sardiva, 25; Egleen Marcellana, 25; Leonel Lao,23; Rodel dela Pena, 24; Rene Maturan, 20; Samuel Billones, 34; Allan Taleb, 18 at Jaypee Cani, 16.

Ang grupo ng mangingisdang Pinoy na pawang tubong Malapatan Island, Saranggani ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport dakong alas 6 ng gabi lulan ng Palau Micronesia Air flight PD 200 mula sa Koror.

Ayon kay Sinday, isang himala ang kanilang kaligtasan dahil sa apat na bagyo ang kanilang pinagdaanan sa loob ng dalawang buwang palutang-lutang sa karagatan habang nakakapit sa tumaob na fishing vessels.

Nabatid na Mayo 17 pa ng pumalaot sila sa karagatan ng Mati, Davao del Sur subalit sinawing palad na masiraan ng makina hanggang sa mapadpad sa Yap Island at makita ng mga residente ng Chuwk Island na nasasakupan ng Federated States of Micronesia. (Ulat ni Butch Quejada)

ALEX NAMUCOT

ALLAN TALEB

BUTCH QUEJADA

CARLITO SINDAY

CHUWK ISLAND

EDDIE MUSQUETO

EGLEEN MARCELLANA

FEDERATED STATES OF MICRONESIA

JAYPEE CANI

YAP ISLAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with