^

Metro

2 grupo ng pulis nagbarilan

-
Nagmistulang ‘war zone’ ang harapan ng Taguig Municipal Office matapos na magpalitan ng putok ang mga pulis na nakatalaga sa Drug Enforcement Unit ng Taguig Police at Regional Special Action Unit, National Capital Regional Police Office (RSAU, NCRPO) makaraang magalit ang grupo ng huli ng hindi ibigay sa kanila ang dalawang drug pusher na kanilang inaarbor na nahuli naman ng grupo ng una, kahapon ng madaling-araw sa naturang bayan.

Ayon sa ulat na nakarating sa Southern Police District Office (SPDO) naganap ang insidente dakong alas-12:10 kahapon ng madaling-araw sa harapan mismo ng munisipyo ng Taguig na matatagpuan sa Brgy. Tuktukan ng nabanggit na bayan.

Nauna dito, nadakip ng mga tauhan ng DEU ang dalawang ‘tulak’ sa droga na nakilalang sina Kahar Goldy, 27 at Benjamin Usman, ‘alyas Ben’ dakong alas-9:30 kamakalawa ng gabi sa Maharlika Village, Taguig.

Ilang minuto pa ay dumating sa tanggapan ng Taguig Police sina PO1 Ladislao Nuguid, 27, nakatalaga sa RSAU, NCRPO at isang sibilyan agent na si Nasser Tayuan, 30, upang arborin ng mga ito ng mga nadakip na suspect.

Ngunit hindi pinagbigyan ng Taguig Police ang kahilingan ng dalawa, kaya’t nagtawag si PO1 Nuguid ng kanyang mga kasamahan.

Tinatayang 30 katao na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril at hinihinalang mga pulis na nakatalaga sa RSAU ang dumating sa Taguig Police upang kunin ag dalawang inarestong suspect.

Naging dahilan upang magpaputok ng baril ang mga kagawad ng RSAU, NCRPO at gumanti naman ng putok ang mga tauhan ng Taguig Police.

Nagmistulang ‘war zone’ ang lugar at aabot sa daang libong piso halaga ng nawasak dahil sa mga pagpapaulan ng bala ng baril. Masuwerte namang walang taong nadamay sa insidente. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BENJAMIN USMAN

DRUG ENFORCEMENT UNIT

KAHAR GOLDY

LADISLAO NUGUID

LORDETH BONILLA

MAHARLIKA VILLAGE

NAGMISTULANG

TAGUIG

TAGUIG POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with