^

Metro

Illegal gun maker arestado

-
Isang lalaking sangkot sa ilegal na paggawa ng mga baril ang inaresto ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kasabay ng pagkakasamsam sa iba’t ibang uri ng baril at bala sa isinagawang raid sa Pateros, Metro Manila, kahapon.

Kinilala ni PNP- CIDG director Chief Supt. Arturo Lomibao ang nasakoteng suspect na si Federico Peter Geronimo na iniharap sa mediamen sa Camp Crame.

Nabatid na hindi na nakaporma pa si Geronimo nang salakayin ang kanyang shop ng pinagsanib na tauhan ng Counter Terrorism Section at Office of Business Concern ng PNP-CIDG dakong alas-10 ng umaga.

Inihayag pa ni Lomibao na ibinunyag ni Geronimo sa isinagawang tactical interrogation na nagseserbisyo din siya sa ilang unit ng PNP at AFP subali’t tumanggi naman itong tukuyin ang nasabing mga units.

Nasamsam mula sa pag-iingat ni Geronimo ang 25 piraso ng cal. 22 airgun rifles; 8 machine pistol; 2 kalibre 45 pistola; 1 cal. 25; 1 cal. 38; 1 M 16 rifle; 2 garand rifle; mga magazine ng bala; dalawang bala ng RPG; drill machine; acetylene tanks; grinders at ilang kagamitan sa paggawa at pagkukumpuni ng mga baril.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong illegal possession at illegal manufacturing of firearms laban sa nasakoteng suspect. (Ulat ni Joy Cantos)

ARTURO LOMIBAO

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

COUNTER TERRORISM SECTION

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

FEDERICO PETER GERONIMO

GERONIMO

JOY CANTOS

METRO MANILA

OFFICE OF BUSINESS CONCERN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with