Guwardiya nag-amok: Ginang patay, 1 sugatan
August 12, 2004 | 12:00am
Isang 59-anyos na ginang ang nasawi, samantalang isa pa ang malubhang nasugatan matapos na mag-amok at mamaril ang isang guwardiya makaraang maburyong sa matinding problema sa pamilya, kamakalawa ng gabi sa Taguig.
Hindi na nakarating nang buhay matapos isugod sa South Super Highway Medical Center ang biktimang si Ester Rabeji, ng Sitio De Asis, Taguig sanhi ng tinamong tama ng bala ng shotgun sa katawan. Sugatan din naman sa naturang insidente si Ronaldo Mendoza, 40, ng Parañaque City.
Samantala, nadakip naman ng pulisya ang suspect na si Noel Apaso, 38.
Sa imbestigasyon ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-7 ng gabi sa binabantayang bakanteng lote ng Banco de Oro ng suspect na matatagpuan sa Mañalac Avenue, Brgy. Bagong Tanyag, Taguig.
Nabatid na may matinding problema sa pamilya ang suspect kung kaya bigla itong naburyong at nagwala.
Ilang ulit nitong pinaputok ang kanyang service firearm na kung saan tinamaan ang ginang na nakatayo sa kanyang karinderya malapit sa lugar na binabantayan ng suspect.
Nadamay din ang isa pang sibilyang si Mendoza.
Agad namang nadakip ng mga awtoridad ang suspect at narekober ang baril na ginamit nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended