^

Metro

Daang-libong ibon nag-migrate sa Valenzuela

-
Halos magdilim ang himpapawid sa isang lugar sa Valenzuela City, makaraang magdagsaan ang daang libong mga ibon na naghahanap ng kanilang madadapuan kahapon ng umaga.

Dakong alas-8 ng umaga nang dumagsa ang isang uri ng ibon sa himpapawid ng Bgys. Malanday at Dalandanan sa Valenzuela City.

Ilang minuto ding nagpaikut-ikot ang mga ibon sa buong lugar na animo’y naghahanap ng kanilang madadapuan.

Nang magawi ang mga ibon sa mga makakapal na puno ay nagsipahinga ang mga ito bago tuluyang umalis nang sabay-sabay.

Ang naturang mga ibon na tinatawag na "Migrate" ay maliit ng kaunti sa mga Phil. Eagle ngunit mas mabilis ang mga ito na lumipad bukod pa sa mas mahaba ang mga tuka ng mga ito.

Ang "Migrate" umano ay isang uri ng ibon na may kakayahang magpalipat-lipat ng lugar. Ito umano ay nakakaikot sa iba’t ibang bansa kaya nga ang pangalan ay hinango sa kanilang kakayahang maglakbay sa malalayong lugar. (Ulat ni Rose Tamayo)

BGYS

DAKONG

DALANDANAN

IBON

ILANG

MALANDAY

ROSE TAMAYO

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with