^

Metro

Sa ambush kay Saraza:'Huwag akong idamay - Echeverri

-
Walang kinalaman ang pulitika sa pagkamatay ni Caloocan City Liga ng mga Brgy. President Roger Saraza.

Ito ang tahasang sinabi kahapon ni Caloocan City Enrico "Recom" Echiverri matapos na isangkot ng kanyang mga kalaban sa pulitika ang kanyang pangalan sa pagkamatay ni Saraza.

"Wala kaming pinag-aawayan ni Councilor Roger Saraza at wala akong dahilan para ipaligpit siya dahil isa siyang kaibigan", anang alkalde.

Itinanggi rin ni Echiverri na nagkasagutan sila ni Saraza bago ito tambangan.

Binanggit pa ng alkalde na hindi biro ang ginagawang paninira sa kanya ng mga kalaban sa pulitika dahil buhay ng isang tao ang nawala.

Itinanggi rin ni Echiverri na ang kanyang punong barangay na anak na si RJ Echiverri, ng Brgy. 84 ang kanyang ipapalit sa puwestong iniwan ni Saraza.

Kaugnay nito, tinawagan ni Echiverri si Chief Supt. Vidal Querol, pinuno ng Region 3 PNP upang hilingin dito na siyasating lahat ang anggulo kaugnay sa pagkamatay ni Saraza.

Magugunitang si Saraza ay tinambangan ng mga hindi nakikilalang salarin noong sabado sa San Jose Del Monte City, Bulacan. (Ulat ni Rose Tamayo)

BRGY

CALOOCAN CITY ENRICO

CALOOCAN CITY LIGA

CHIEF SUPT

COUNCILOR ROGER SARAZA

ECHIVERRI

ITINANGGI

PRESIDENT ROGER SARAZA

ROSE TAMAYO

SARAZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with