Manager ng import-export firm,nagbaril sa sarili
August 10, 2004 | 12:00am
Hinihinalang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbaril sa sarili ang isang 50-anyos na manager ng isang export-import firm makaraang matagpuan ang bangkay nito sa loob ng kanyang sasakyan, kahapon ng tanghali sa Pasig City.
Nakilala ang nasawi na si Bibiano Baltazar, 50, ng Southville Subdivision, Biñan, Laguna, manager ng Yunjung Industrial Philippines na matatagpuan sa Tektite Building, Ortigas Center ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-12:40 ng tanghali na may tama ng bala ng isang 9mm na baril sa bunganga na tumagos sa likurang bahagi ng ulo nito sa parking lot ng pinapasukang kompanya sa loob ng kanyang kulay berdeng Toyota Revo na may plakang XNP-990.
Ayon sa isang car park attendant, ipinarada ng biktima ang kanyang sasakyan pasado alas-6 ng umaga at sinabing mamaya na nito babayaran ang parking fee.
Hindi naman bumaba ang biktima sa loob ng kanyang sasakyan ng iparada niya ito sa car park.
Anim na oras na ang nakalipas ay nagkagulo ang mga tao sa parking area ng makita ang biktima na wala nang buhay sa loob ng kanyang sasakyan.
Inaalam pa ng pulisya kung ano ang posibleng dahilan sa pagpapakamatay ng biktima.
Isinasailalim pa rin ito sa awtopsiya para matiyak na walang naganap na foul play sa insidente. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended