4 na miyembro ng Waray gang, arestado
August 10, 2004 | 12:00am
Apat na miyembro ng kilabot na kidnap at robbery gang na "Waray-Waray gang" na responsable sa pagdukot at pagpatay kay Betty Chua-Sy ang nadakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kanilang safehouse, kamakailan sa Quezon City.
Kinilala ni NBI Director Reynaldo Wycoco ang mga suspect na sina Calvin Lagado, 35, lider ng grupo; Pacifico Borja, 28; Abeto Puertellano, 37; at Castroverde Neil, 35, pawang mga tubong-Leyte.
Pinaghahanap pa naman ngayon ang apat pa nilang kasamahan na nagawang makatakas at nakilalang sina Hector Cornista, Mondo Cornista at Lupin Superable at Gary Alvero.
Sa ulat ng NBI-Reaction, Arrest and Interdiction Division (RAID), nakatanggap sila ng impormasyon ukol sa operasyon ng Waray-Waray gang. Nakatakda sanang magsagawa na naman ng panibagong pag-atake ang mga ito sa isang sanglaan sa Quezon City nitong nakaraang Agosto 7.
Dakong alas-3 ng hapon, naispatan ng mga operatiba ang Tamaraw FX (TVS-409) na sinakyan ng mga suspect buhat sa Rosario, Pasig City at kanilang sinundan hanggang SM North EDSA. Dito na sila napansin ng mga suspect na nagtangkang pasibatin ang kanilang sasakyan ngunit maagap na naharang at nakorner ng mga ahente.
Hindi na nagawang makapanlaban ng mga suspect nang agad silang matutukan ng baril. Narekober sa kanilang posesyon ang 1 Jericho pistol, 1 kalibre .45, 1 carbine rifle, 1 kalibre .38, ibat ibang bala ng mga baril at apat na granada.
Nabatid sa rekord na sangkot din ang Lagado group ng Waray-Waray gang sa pagkidnap at matagumpay na paghingi ng ransom sa batang si Gelina Dy sa Paco, Maynila; Wilbert Uy sa Quezon City at sa isang Mr. Ty ng Binondo noong nakaraang taon. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended