Magkapatid dedo sa 4 na pulis
August 10, 2004 | 12:00am
Nauwi sa trahedya ang masayang piyesta, makaraang masawi ang magkapatid at malubhang nasugatan naman ang isa nilang pamangkin nang pagbabarilin ng apat na bagitong pulis na kanilang naka-engkuwentro, kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.
Kapwa hindi na umabot nang buhay makaraang isugod sa Parañaque Medical Center ang magkapatid na sina Jeffrey, 27; at Warren Tagle, 21, ng Purok 2, Brgy. Sucat ng lungsod na ito sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan.
Samantala, nasa kritikal pa ring kondisyon ang kanilang pamangking si Noel Marie Tagle-Cayanan, 16, na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa mukha at katawan.
Sumuko naman ang mga pulis na suspect na sina PO1 Ryan Jaramillo, 24; PO1 Hernando Martinez, 25, kapwa nakatalaga sa Regional Special Action Unit (RSAU); PO1 Carlos Valenzona, 25; at PO1 Antonio Castro, 23, kapwa ng Aviation Security Group sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na naganap ang insidente dakong alas-6 ng gabi sa Purok 2, Brgy. Sucat, Muntinlupa City.
Nabatid na dumalo sa isang binyagan sa bahay ng isang Cora Galas, 31, ang apat na suspect dahil sina Jaramillo at Martinez ay kapwa ninong kung saan ang okasyon ay isinabay sa piyesta sa lugar.
Ang masayang piyesta ay nauwi sa trahedya makaraang ang mga biktima ay makipag-rambulan sa isang grupo ng mga kalalakihan.
Dahil sa tawag ng tungkulin lumabas ng gate ang mga suspect upang awatin ang nagrarambulang grupo. Ilang saglit pa ay humupa ang gulo at pabalik na ang mga pulis sa bahay ni Galas nang lusubin naman sila ng grupo ng magkapatid na Tagle dala ang malalaking bato at dos-por-dos.
Pinagbabato at hinampas umano ng grupo ng magkapatid na Tagle ang mga pulis kaya napilitan naman ang mga ito na ipagtanggol ang kanilang sarili at paputukan ang mga biktima.
Nagresulta ito sa pagkasawi ng magkapatid na Tagle at pagkasugat ng isa nilang pamangkin. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended