Binigay na dahilan nina Comelec 2nd Division Commissioner Mehol Sadain, Florentino Tuazon at Manuel Barcelona ang kawalan ng merit at inefficiency and insufficiency in form and substance ng inihaing petisyon ni Bernabe kaya ito ibinasura noong Aug. 5, 2004.
At bilang pagtugon sa EPC no.2004-32 ay inatasan ni Aniceta Laceda, Election Officer 4 ng 1st at 2nd districts ng Parañaque City ang inventory ng 689 protested at 528 counter-protested ballot boxes sa loob lamang ng limang araw makaraang matanggap ang memorandum.
Isinasaad sa memorandum ang pagtitipon at koleksyon ng lahat ng mga prinoprotestang balota matapos ang inventory at delivery nito sa ECAD sa loob ng 10-araw matapos na matanggap ang memorandum.
Una ng nagsampa ng motion si Bernabe noong July 4, 2004 upang mapigilan ang transfer ng ballot boxes at ang pagdadala nito sa Comelec Main Office sa Intramuros, Manila. Nang araw ding iyon ay natanggap ni Bernabe ang Executive Order.
Hiniling nito sa nasabing EO na imbestigahan ng Comelec ang umanoy napaulat na sinugod ni Bernabe ang isang staff ng Treasurers Office sa Parañaque City Gym kung saan nakalagay ang mga ballot boxes.
Sinasaad sa ulat na pinagbantaan ni Bernabe ang staff at mahigpit na pinagbilinan na hindi dapat na magalaw ang mga balota at dapat na manatili lamang ito sa loob ng gym at hindi dapat madala sa Comelec Main Office sa kabila ng order ni Laceda. (Ulat ni Ellen Fernando)