^

Metro

Holdap: Pulis grabe, 3 hinostage

-
Nasa kritikal na kondisyon ang isang pulis makaraang makipagpalitan ng putok sa walong armadong kalalakihan na nanloob sa isang convinience store kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Nilalapatan ng lunas sa Chinese General Hospital si PO1 Felix Mercado ng CPD-La Loma Police Station matapos na tamaan ng bala ng baril sa dibdib.

Batay sa imbestigasyon ni PO1 Ramwil Relox ng La Loma Police, dakong alas-4 ng madaling-araw nang looban ng walong hindi pa nakikilalang suspect ang 7-11 Convinience store sa panulukan ng Apo St. at Bonifacio Ave. sa nasabing lungsod.

Nabatid na agad na nadis-armahan ng apat sa walong mga suspect na sinasabing armado ng Uzi na baril ang guwardiya ng convinience store habang ang iba naman ay nagsilbing look-out.

Mabilis na nilimas ng mga suspect ang kinita ng mini grocery na umaabot sa P200,000 kung saan tinangay din ng mga ito ang shift manager na si Delia dela Cruz at dalawa pang customer matapos na matunugan ang paparating na mga pulis.

Agad na sumakay ng taxi ang mga suspect kasama ang mga hinostage kung saan hinagis pa ng mga ito ang dalawang granada na sumabog.

Dahil dito, hinabol ng Mobile Patrol QC-29 ang mga salarin at nagkaroon ng palitan ng putok na minalas na tinamaan si Mercado.

Ilang minuto naman ang nakalipas ay pinalaya din ng mga suspect ang kanilang hinostage at iniwan ang taxi na kanilang ginamit.

Nagsasagawa naman ngayon ng follow-up operation ang mga pulis laban sa mga suspect. (Ulat ni Doris Franche)

APO ST.

BONIFACIO AVE

CHINESE GENERAL HOSPITAL

DORIS FRANCHE

FELIX MERCADO

LA LOMA POLICE

LA LOMA POLICE STATION

MOBILE PATROL

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with