Tsinoy tinodas sa sariling bahay
August 9, 2004 | 12:00am
Isang 61-anyos na Tsinoy ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang hinihinalang hired killer matapos na malayang makapasok sa loob ng bahay nito kahapon ng madaling-araw sa Maynila.
Dead-on-the-spot ang biktima na nakilalang si Carlo Pe, ng 1885-A P Guevarra st. Sta. Cruz, ng naturang lungsod.
Kasalukuyan namang isinasailalim sa imbestigasyon ng WPD-Homicide Division ang live-in partner nito na si Rebeng Estrella.
Batay sa ulat, dakong alas-3 ng madaling-araw ng nakarinig ng putok si Estrella na nooy natutulog sa kabilang kuwarto at nang puntahan niya ang biktima ay nakita niya itong naliligo na sa sariling dugo.
Napansin ng mga imbestigador na nakabukas ang pinto ng bahay ng biktima at walang anumang palatandaan na nagkaroon ng "forcible entry".
Dahil dito, posibleng iniwang nakabukas ang pinto upang malayang makapasok ang gunman.
Ayon kay Estrella, magkahiwalay sila ng kuwarto ng biktima dahil nagkaroon sila ng alitan nito. Marami umanong kapitbahay ang galit sa biktima dahil sa pagiging masungit nito dala ng katandaan.
Nagsasagawa pa rin ng follow-up investigation ang pulisya habang nakatakda naman isailalim sa paraffin test si Estrella. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended