Babaeng pipi't bingi na nahukay ginahasa muna
August 7, 2004 | 12:00am
Malaki ang posibilidad na ginahasa muna ang babaeng nahukay sa isang lugar sa Caloocan City bago ito tuluyang patayin ng isang lalaki na nakaalitan ng kanyang mga kasamahan sa isang video shop kamakailan sa nasabing lungsod.
Ito naman ang teorya ng mga awtoridad makaraang mahukay ang bangkay ng biktimang si Maricar Esguerra, 19, isang pipit bingi, ng Phase 10, Bagong Silang, Caloocan City.
Nagtamo ito ng dalawang saksak sa likod at dibdib bukod pa sa pagkabasag ng ulo mula sa suspect na nakilalang si Gener Santos, 21, ng Phase 9, Package 7-C, Lot 1 Blk 23, Bagong Silanga, ng nasabing lungsod.
Ayon sa imbestigasyon ng Scene Of the Crime Operation (SOCO) ng Northern Police District (NPD), walang anumang suot pang-ibaba ang biktima nang mahukay maliban sa kulay asul na blouse nito. Taliwas ito sa pahayag ng biktima na nakapantalon pa ito nang kanyang ibaon sa lupa.
Subalit ayon naman kay Chief Insp. Filemon Porciuncula, medico legal, mahihirapan silang matukoy kung ginahasa ang biktima dahil nabubulok na ang ari nito bunga ng apat na araw na pagkakabaon sa lupa.
Dahil dito, umaasa ang pamilya ng biktima na lulutang ang limang kalalakihan na sinasabing kasama ng biktima nang maganap ang insidente upang malaman ang tunay na pangyayari. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended