652 armas nasamsam sa jail
August 6, 2004 | 12:00am
Umaabot sa 652 piraso ng ibat ibang uri ng matatalas na patalim at drug paraphernalias ang nasamsam ng mga tauhan ng Quezon City jail na pinaniniwalaang gagamitin ng mga preso sa mga balaking pagtakas o riot sa isinagawang greyhound operation kahapon ng umaga.
Ayon kay QC jail warden Supt. James Labordo, isinagawa ang sorpresang operasyon sa selda ng Batang City Jail (BCJ) matapos na makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad kung saan isang preso pa ang nagtangkang i-flush sa toilet bowls ang mga posibleng kontrabando.
Kabilang sa mga nakumpiska ay ang improvised bolo, improvised knife, fan knife, rolled aluminum foil, sipping straw, plastic sachet, deadly arrow at mga improvised hammer.
Ang mga nakumpiskang kontrabando at patalim ay dinala sa tanggapan ng warden para sa kaukulang imbentaryo. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended