^

Metro

Hold departure order ipinalabas vs Bebs Reyes

-
Upang makatiyak na hindi matatakasan ang prosecution, isinailalim na ng Bureau of Immigration (BI) sa Hold Departure Order (HDO) ang principal suspect sa rape-slay ng bank employee na si Candice Castro.

Ayon kay BI Commissioner Alipio Fernandez, nagpalabas na ng HDO ang BI laban kay Bebs Reyes, alinsunod sa kahilingan ng Manila Regional Trial Court na dumidinig sa kaso nito at ng kasamahang suspect na si Philippe Marcelo.

Una nang naging subject ng manhunt si Reyes ng mga awtoridad matapos na magpalabas ng arrest warrant si Manila RTC Judge Reynaldo Alhambra laban sa kanya.

Magugunita din na inilagay ng BI sa watchlist si Reyes, anak ng isang opisyal ng BI noong May 18, matapos na hindi ito sumuko makaraang ituro ito ni Marcelo na siyang pumatay at humalay sa biktimang si Castro.

Magugunitang si Castro ay nakitang patay sa loob ng condominium nito sa Malate noong Mayo 12 matapos halayin at paslangin ng mga suspects.

Hindi sumipot si Reyes sa itinakdang arraignment noong nakaraang Miyerkules kung saan tanging abogado lang nito ang nagpakita sa korte at humiling na muling itakda ang nasabing pagdinig. (Ulat ni Grace dela Cruz)

AYON

BEBS REYES

BUREAU OF IMMIGRATION

CANDICE CASTRO

COMMISSIONER ALIPIO FERNANDEZ

CRUZ

HOLD DEPARTURE ORDER

JUDGE REYNALDO ALHAMBRA

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

PHILIPPE MARCELO

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with