^

Metro

3 kotong cops,1 pa arestado

-
Tatlong kotong cops na nakatalaga sa Mandaluyong City Police at isang sibilyan ang dinakip ng mga elemento ng PNP-Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AID-SOTF) sa isinagawang entrapment operation sa loob ng kanilang himpilan sa lungsod kahapon ng tanghali.

Kinilala ni PNP-AID-SOTF Chief P/Deputy Director General Edgar Aglipay ang mga nasakoteng suspect na sina SPO3 Rodel Castalone, PO1 Jefferson Gonzalez, PO1 Salvador del Mundo, pawang ng Anti-Narcotics Unit ng Mandaluyong City Police at ang asset ng mga itong sibilyang si Dennis Soriano.

Sinabi ni Aglipay, batay sa report ni P/Supt. Arnold ‘Blackjack’ Aguilar, hepe ng raiding team, ang apat ay dinakip base sa reklamo ni Alicia Lloreta ng Cavite City.

Ayon sa salaysay ni Lloreta, dinakip ng grupo ni Castalone ang kanyang anak na si Jericho, 33, noong nakalipas na Martes ng hapon habang naglalaro ng tong-its sa bahay ng isa nitong kaibigan na umano’y pinaratangang drug pusher.

Nang magtungo umano sila sa himpilan ng pulisya ay hinihingan sila ng mga suspect ng P100,000 na naibaba sa P50,000 kapalit ng kalayaan ng kanyang anak.

Agad namang dumulog sa tanggapan ng PNP-AID-SOTF ang ginang upang magharap ng reklamo laban sa nasabing mga pulis.

Lingid sa kaalaman ng mga tiwaling pulis ay nakaposte na ang mga tauhan ni Aglipay at dinakip ang sibilyang si Soriano sa aktong tinatanggap ang inisyal na P20,000 mula sa nasabing ginang kung saan ay ikinanta naman nito ang tatlong pulis na siyang nag-utos sa kanya na kunin ng nasabing halaga.

Hindi na nakapalag ang apat matapos na arestuhin ang mga ito ng mga tauhan ng PNP-AID-SOTF.

Lumilitaw pa sa imbestigasyon na isa pang sibilyan na kinilalang si Reynaldo Ibea ng #57 Coronado St., Mandaluyong City ang muntik na ring mabiktima ng grupo ni Castalone.

Nabatid na si Ibea ay pinaratangan ding drug pusher at hinihingan ng mga suspect ng P100,000 upang hindi na umano ipursige ang kaso laban dito.

Nahaharap ngayon sa kasong kriminal at namemeligro pang masibak sa serbisyo ang nasabing mga tiwaling pulis at damay din ang kasabwat ng mga itong sibilyan. (Ulat nina Joy Cantos at Edwin Balasa)

AGLIPAY

ALICIA LLORETA

ANTI-NARCOTICS UNIT

CASTALONE

CAVITE CITY

CHIEF P

CORONADO ST.

DENNIS SORIANO

MANDALUYONG CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with