^

Metro

4 miyembro ng sindikato ng pyramiding,timbog

-
Naaresto ng pulisya sa isinagawang serye ng operasyon ang apat sa sampung katao na miyembro ng malaking sindikato ng pyramiding na nakapanloko na sa tinatayang 2,000 mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at nakatangay ng bilyong pisong halaga sa mga ito.

Kinilala ni Eastern Police Director Oscar Valenzuela ang mga naarestong suspect na sina Edna Monteplo, 50; Melinda Navarro, 39; Cesar Rodea, 42 at Sarra Fernandez, 47.

Samantala, pinaghahanap pa ang anim na mga kasamahan ng mga ito na nakilalang sina Kimeldis Abdumajid; Buena Racelis, Ramon Gonzales, Juliana Hajihil; Lily Castor at Sharmaine Abdulla, pawang mga recruiters ng CITP New Century International.

Ang apat ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Briccio Ygana ng Pasig Trial Court Branch 153.

Ayon pa kay Valenzuela, karamihan sa mga nabibiktima ng mga suspect ay pawang mga OFWs na nagtatrabaho sa Middle East, Hong Kong at U.S. at tinatayang umaabot ssa halagang $26 milyon o P1.5 bilyon.

Ang modus operandi ng mga suspect ay pinag-iinvest nila ng $340 kada tao para sa enrolment at kailangang mag-recruit ang mga ito ng 5 hanggang 8 katao na magbabayad din ng $340 at makakakuha umano ng $20 tubo kada buwan.

Subalit ilang buwan na ay wala namang natatanggap na tubo ang mga investors at napag-alaman pa nila na hindi nakarehistro sa Security and Exchange Commission (SEC) ang nasabing kompanya kaya minabuti na nilang humingi ng tulong sa pulisya na ikinaaresto ng apat sa mga suspect.

Kakasuhan ang mga nadakip ng large scale estafa at iba pang kaso habang nakapiit ang mga ito sa San Juan detention cell. (Ulat ni Edwin Balasa)

BUENA RACELIS

CESAR RODEA

EASTERN POLICE DIRECTOR OSCAR VALENZUELA

EDNA MONTEPLO

EDWIN BALASA

HONG KONG

JUDGE BRICCIO YGANA

JULIANA HAJIHIL

KIMELDIS ABDUMAJID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with