^

Metro

Tensyon sumiklab sa demolisyon sa loob ng Camp Aguinaldo

-
Naghari ang tensyon sa loob ng Camp Aguinaldo matapos na pangunahan ng mga armadong sundalo ang paggiba sa kabuuang 45 commercial shops sa loob ng kampo upang bigyang daan ang pagbubukas ng mall at konstruksyon ng mga barracks para sa mga AFP personnel.

Ang insidente ay tinuligsa ng Camp Aguinaldo’s Concessionaire Association kung saan wala nang magawa ang mga ito kundi lisanin ang lugar matapos na simulang gibain dakong alas-8 ng umaga ng mga tauhan ng Headquarter’s Support Command (HSC).

Ayon kay Manuel Prado, presidente ng Concessionaire’s Group na isang Alex Nobleza na inatasan niyang kumuha ng video ang inaresto rin ng personnel ng HSC na tinatayang aabot sa 20 ang bilang na pawang armado ng malalakas na kalibre ng armas.

Sa panig naman ni HSC Legal Officer Major Serme Ayuyao, sinabi nito na legal ang basehan sa isinagawa nilang demolisyon matapos na ibasura ng korte ang inihaing TRO ng nasabing samahan.

Ang hakbang umano ay naglalayong bigyang daan ang pagbubukas ng Soldiers Mall upang matugunan ang pangangailangan ng mga AFP personnel sa loob ng punong himpilan ng militar.

Taong 2000 pa umano nila inabisuhan ang mga may-ari ng stalls para bakantehin ang lugar pero binabalewala ito ng mga kinauukulan hanggang sa mapilitan silang buwagin na ang mga stalls. (Ulat ni Joy Cantos)

ALEX NOBLEZA

AYON

CAMP AGUINALDO

CONCESSIONAIRE ASSOCIATION

JOY CANTOS

LEGAL OFFICER MAJOR SERME AYUYAO

MANUEL PRADO

SOLDIERS MALL

SUPPORT COMMAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with