Kasabay nito, naghabilin pa sa suicide note ang biktimang si Enrique Salcena sa kanyang live-in partner na alagaan ang kanyang aso.
Dakong alas 5:30 ng madaling araw nang matagpuan sa loob ng kanyang bahay sa 34 Pioponco St. Brgy. San Antonio Roosevelt, ng nasabing lungsod ang bangkay ni Salcena.
Napag-alaman na hindi na matiis ng mga residente ang mabahong amoy sa kanilang lugar kung kayat pinuntahan nila ang pinanggagaling nito.
Humingi ng tulong ang mga kapitbahay ni Salcena sa mga barangay tanod upang pasukin ang bahay na pinanggagalingan ng masangsang na amoy.
Bumulaga sa kanila ang naagnas ng katawan ni Salcena habang nabigti ng nylon cord na nakasabit sa kanilang kisame.
Lumilitaw sa imbestigasyon na may isang linggo ng patay ang biktima habang nakuha naman ang isang suicide note para sa kanyang live in partner na nakilala lamang sa pangalang "Kit".
Hiniling ng biktima sa kanyang dating live-in partner na alagaan na lamang nito ang kanilang aso. (Ulat ni Doris Franche)