^

Metro

Iniwan ng live-in partner nag-suicide

-
Nabubulok at naaagnas na ang katawan ng isang 42 anyos na lalaki na natagpuang nakabigti makaraang iwanan ng kanyang kalive-in kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Kasabay nito, naghabilin pa sa suicide note ang biktimang si Enrique Salcena sa kanyang live-in partner na alagaan ang kanyang aso.

Dakong alas 5:30 ng madaling araw nang matagpuan sa loob ng kanyang bahay sa 34 Pioponco St. Brgy. San Antonio Roosevelt, ng nasabing lungsod ang bangkay ni Salcena.

Napag-alaman na hindi na matiis ng mga residente ang mabahong amoy sa kanilang lugar kung kaya’t pinuntahan nila ang pinanggagaling nito.

Humingi ng tulong ang mga kapitbahay ni Salcena sa mga barangay tanod upang pasukin ang bahay na pinanggagalingan ng masangsang na amoy.

Bumulaga sa kanila ang naagnas ng katawan ni Salcena habang nabigti ng nylon cord na nakasabit sa kanilang kisame.

Lumilitaw sa imbestigasyon na may isang linggo ng patay ang biktima habang nakuha naman ang isang suicide note para sa kanyang live in partner na nakilala lamang sa pangalang "Kit".

Hiniling ng biktima sa kanyang dating live-in partner na alagaan na lamang nito ang kanilang aso. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

BUMULAGA

DAKONG

DORIS FRANCHE

ENRIQUE SALCENA

HINILING

HUMINGI

PIOPONCO ST. BRGY

QUEZON CITY

SALCENA

SAN ANTONIO ROOSEVELT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with