Bukod sa kasong extortion, nahaharap din sa kasong grave misconduct sina Supt. Ferdinand Querante, deputy commander ng WPD-Station 4; Insp. Alfredo David; SPO2 Ernesto Manaois; SPO1 Wilfredo Sanchez; P03 Reynaldo Robles at PO3 Reynaldo Cuneta.
Nabatid na nagreklamo kay NCRPO chief Director Ricardo de Leon ang mga pamilya nina Sonny Sagisi, Neil Guiang at Edward Batac na umanoy dinakip ng mga pulis noong nakaraang Biyernes dakong alas 3 ng hapon at ikinulong ng walang kasong isinampa at hindi naka-record sa blotter.
Kinuha din ng mga pulis ang kanilang cellphone, relo at pera na nagkakahalaga ng P8,000 habang humihingi pa din ng P350,000 ang mga nasabing pulis para makalaya ng walang rekord ng kaso.
Kaugnay nito, inatasan din ni de Leon ang Internal Affairs Service (IAS) ng WPD upang magsagawa ng imbestigasyon sa kaso. (Ulat ni Danilo Garcia)