Bombay tinodas ng parak
August 1, 2004 | 12:00am
Tatlong tama ng bala sa katawan ang tumapos sa buhay ng isang negosyanteng Bombay makaraang pagbabarilin umano ng isang pulis sa loob ng isang videoke bar kahapon ng madaling araw sa Marikina City.
Ang biktima na agad na namatay sa pinangyarihan ng insidente ay nakilalang si Inderit Gupta, 30, ng 40 Panama St., Greenheights Subdivision, Brgy. Nangka ng nabanggit na lungsod.
Samantala, isang manhunt operation naman ang isinagawa ng mga kagawad ng Marikina police para sa agarang pagkakadakip sa isang pulis na nakatalaga sa Regional Special Action Unit ng NCRPO.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Orlando Salen, naganap ang insidente dakong alas-12:50 ng madaling araw sa loob ng Kurimaw KTV Bar na matatagpuan sa J.P. Rizal St., Brgy. Concepcion Uno ng nasabing lungsod.
Nabatid na kasalukuyang umiinom ang biktima sa loob ng bar kasama ang dalawang kaibigan ng pumasok ang grupo ng suspect.
Sa hindi malamang dahilan ay lumapit ang suspect sa lamesang iniinuman ng biktima at nagpakilalang pulis sabay pakita sa kanyang 9mm na baril.
Agad namang inutusan ng biktima ang isa niyang kasamahan na tumawag ng pulis na ikinagalit ng suspect sabay bunot sa kanyang dalang baril at pinaputok sa biktima.
Matapos ang insidente ay mabilis nang tumakas ang suspect habang iniwang nakahandusay ang biktimang Bombay.
Isang manhunut operation ang inilunsad ng pulisya laban sa suspect na pulis. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended