NBI pasok sa ama na dinukot ng anak
July 31, 2004 | 12:00am
Humingi ng tulong kahapon ang tatlong magkakapatid na babaeng negosyante sa National Bureau of Investigation (NBI) upang hanapin at iligtas ang kanilang 78-anyos na ama na umanoy dinukot ng isa pa nilang kapatid.
Nanawagan kay NBI Director Reynaldo Wycoco ang magkakapatid na sina Grace, Gladys at Geraldine Guy kasama ang kanilang inang si Simny Guy, pawang mga residente ng #911 Swallow Drive, Green Meadows, Quezon City, upang magsagawa ng operasyon para mailigtas ang kanilang ama na si Francisco Guy.
Ayon kay Grace, dinukot ng kanilang kapatid na si Gilbet Guy ang kanilang ama nitong kaagahan ng taon dahil umano sa problemang pinansyal.
Nagsampa naman ng kaso sa Quezon City Regional Trial Court ang pamilya Guy laban sa kapatid. Nagpalabas naman ng visitation order ang korte kung saan nadalaw nila ang ama noong Marso 16, 2004.
Matapos nito, hindi na umano sila pinadalaw ng kapatid sa bahay nito na umanoy may mga armadong lalaki na nagbabantay.
Ayon sa magkakapatid, nasa masamang kalagayan ng kanyang kalusugan na umano ang kanilang ama sa huling dalaw ng kanilang ina dito dahil sa hindi pinalalabas ito ng kanyang kuwarto na nakakandado.
Nagtapos na umano ang writ of habeas corpus ng korte kamakalawa ng hapon kaya humingi na ng tulong ang magkakapatid sa NBI upang mailabas ang kanilang ama na itinatago na ng kanilang kapatid sa hindi mabatid na lugar. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended