11 baboy na kontaminado ng FMD nasabat sa Kamuning market

May 11 baboy na sinasabing kontaminado ng Foot and Mouth Disease (FMD) ang nasabat ng National Meat Inspection Commission (NMIC) at ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa Kamuning sa Quezon City.

Ang naturang mga baboy ay sinasabing nanggaling pa sa Bulacan ay takda sanang isalang sa mga katayan sa Metro Manila.

Kaugnay nito, sinabi ni director Efren Nuestro ng NMIC na higit pang pinatindi ng kanyang mga tauhan ang pagmo-monitor sa mga karneng ibinabagsak sa mga palengke sa Metro Manila na nagmumula sa mga probinsiya upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamimili.

Bukod anya sa mga palengke, maging ang mga mall at malalaking pamilihan ay hindi nakakalusot sa kanilang pagsusuri sa mga ibinebentang karne. (Ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments