Suspect sa Castro rape/slay muling nagtago
July 30, 2004 | 12:00am
Muling nagtago sa kamay ng batas ang anak ng opisyal ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) na isa sa pangunahing suspect na gumahasa at pumatay sa bank teller ng bangko matapos na lumabas na ang warrant of arrest para dito, kamakalawa.
Nabatid na hindi pa naii-serve ng Warrant Section ng Western Police District (WPD) ang arrest warrant na ipinalabas kamakalawa ng umaga laban kay Bienvenido Reyes Jr.
Nabatid kay Chief Inspector Virgilio Dacara, hepe ng Warrant Section na pinuntahan na nila ang isang address na ibinigay ni Reyes nang ilagay siya sa custody ng kanyang ina ngunit hindi na nila ito natagpuan doon.
Meron pa umanong ibang address ng mga Reyes na pupuntahan ang WPD ngunit tumanggi si Dacara na ibulgar ito upang hindi masunog ang kanilang operasyon.
Pinaniniwalaan naman na nakalabas na ng bansa si Reyes matapos na malaman na nagpalabas na ng warrant of arrest laban sa kanya. Posible umanong nasa bansang Australia na ito kung saan may mga kamag-anak ang pamilya nito roon.
Wala naman umanong hold departure order na ipinalabas ang BID laban kay Reyes dahil sa intelligence officer dito ang kanyang ama. Wala namang extradition treaty sa bansang Australia kaya malabong mahabol pa si Reyes.
Magugunitang si Reyes kasama ang nadakip at nakapiit na si Phillip Marcelo ay sinasabing sangkot sa brutal na panghahalay at pagpaslang sa bank teller na si Candise Castro na pinasok sa tinutuluyan nitong condominium sa Vellagion Tower sa Pres. Quirino Avenue, Paco, Maynila. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended