^

Metro

3 bitay sa lolong humalay sa anak

-
Tatlong ulit na kamatayan ang inihatol ng Mandaluyong Regional Trial Court sa isang 64-anyos na ama na gumahasa sa kanyang sariling anak limang taon na ang nakakalipas.

Sa labinlimang pahinang desisyon na ipinalabas ni Judge Amalia Dy, ng Mandaluyong RTC Branch 213, bukod sa parusang tatlong ulit na bitay, inatasan din nito ang akusadong si Benigno Fetalino ng Ginhawa St., Brgy. Barangka ng nabanggit na lungsod na magbayad ng P75,000 para sa moral damages sa kanyang anak na noong kanyang halayin ay 16-anyos pa lamang.

Base sa ulat ng korte hinalay ng akusado ang biktima noong magkakasunod na araw ng Marso 23, 24, 25, 1999 sa loob ng kuwarto nito habang silang dalawa lang ang naiwan sa loob ng bahay.

Nabatid na noong huling ginahasa ng akusado ang biktima noong Marso 25 ay aksidente namang nakita ng isang karpintero ang ginagawang kahalayan nito sa sariling anak. Dahil dito, isinumbong niya sa nanay ng biktima na siya namang nagpahuli sa sarili niyang mister.

Sa depensa ng akusado, sinabi nito na gusto lang umanong gumanti ng kanyang asawang si Luisita dahil nasaktan niya ito sa katatapos nilang away. Idinagdag pa nito na wala siya sa kanilang bahay sa Mandaluyong sa mga petsang sinasabing naganap ang panghahalay.

Ibinasura naman ng korte ang depensa ng akusado at binigyang bigat ang testimonya ng biktima at ng testigong karpintero. (Ulat ni Edwin Balasa)

BARANGKA

BENIGNO FETALINO

BRGY

DAHIL

EDWIN BALASA

GINHAWA ST.

JUDGE AMALIA DY

MANDALUYONG

MANDALUYONG REGIONAL TRIAL COURT

MARSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with