Holdaper namatay sa pagtakas
July 29, 2004 | 12:00am
Namatay ang isang holdaper matapos na ito ay magtangkang tumakas at mabagok ang ulo sanhi nang pagtalon nito sa isang creek, kamakalawa sa Quezon City.
Patay na nang idating sa East Avenue Medical Center ang biktima na nakilalang si Rogel del Barrio, 35, ng squatters area sa Lantana St., Brgy. Immaculate Concepcion St., Cubao ng nabanggit na lungsod.
Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-2:45 ng hapon sa may E. Rodriguez Blvd. sa Quezon City.
Nabatid na nangholdap sa isang FX Taxi ang suspect at nang makuha ang mga cellphone ng dalawang pasahero ay mabilis itong tumakas at nagtungo sa Hillcrest St. habang agad namang nakahingi ng saklolo ang mga biktima nito sa nagpapatrulyang pulis.
Hinabol ng mga pulis si del Barrio hanggang sa makorner ito subalit minabuti nitong tumalon sa isang creek sa halip na sumuko.
Minalas namang tumama ang ulo ni del Barrio sa bato na naging dahilan ng kamatayan nito.
Narekober sa suspect ang isang paltik na baril subalit hindi nabawi ang mga cellphone ng mga biktima na hinihinalang agad nitong naipasa sa kasabwat. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended