Lalaking biktima ng salvage,isinabit sa puno
July 25, 2004 | 12:00am
Parang sawang nakabitin ang katawan ng isang di-kilalang lalaki na hinihinalang biktima ng salvage sa isang madilim na bahagi ng isang tulay, kahapon ng madaling-araw sa Navotas.
Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakikilala ang biktimang inilarawan lamang ng pulisya sa edad na 35-40, may taas na 55, katamtamang pangangatawan, kayumanggi, may tattoo na BCJ (Batang City Jail) sa likod at "ina bakit mo ako iniwan" na may imahe ni Hesukristo at "Rey Bait" sa kanang hita at nakasuot lamang ng puting t-shirt at brief.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:40 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakabitin sa isang madilim na lugar sa Marala Bridge, Brgy. North Bay Blvd. South (NBBS), Navotas ng mga nagpapatrulyang barangay tanod ng nasabing lugar.
Ayon naman sa ginawang pagsisiyasat ng (Scene of the Crime Operation) SOCO ng Northern Police District Office NPDO, ang biktima ay namatay sa pamamagitan ng pagkabigti ngunit nakitaan ang katawan nito ng mga pasa at galos na palatandaang pinahirapan muna ito bago pinatay.
Ginamitan ang biktima ng isang itim na nylon cord at sa tagal ng pagkakabigti ay namaga na ang leeg nito.
May hinala rin ang pulisya na posibleng sa ibang lugar pinatay ang biktima at doon lamang ito ibinitin upang palabasin na nagpakamatay ito at iligaw ang gagawing imbestigasyon. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am