100 pamilya nawalan ng bahay sa sunog

May 100 pamilya ang nawalan ng tahanan matapos na lamunin ng apoy ang isang squatter area sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Napag-alaman kay Sr. Supt. Enrique Linsangan, regional director ng Bureau of Fire Protection, nag-umpisa ang sunog dakong alas-12:30 ng madaling-araw sa BIR Road Brgy. Central ng nasabing lungsod. Sinasabing nagmula ang sunog sa ikatlong palapag ng tahanan ng isang Warlita Acuna saka ito gumapang sa kalapit bahay.

Ganap na alas- 4:26 ng madaling araw nang maapula ang sunog. Wala namang nasaktan o nasawi sa sunog. Inaalam pa kung ano ang sanhi sa naganap na sunog. (Ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments