Sa isang radio interview kay MNTC President Ping de Jesus, sinabi nito na pinaplano nila na itaas ng 50 hanggang 100 porsiyento ang toll fee sa darating na Oktubre kapag hinawakan na nila ang operasyon ng NLEX.
Nabatid na ang MNTC ay isang joint venture na kinabibilangan ng Benpress Group of Company, PNCC, Leaton at Egis Corporation.
Maliban sa 52 sentimos kada kilometro pagtataas na isinagawa ng NLEX kamakailan, sa susunod na buwan ay magkakaroon pa ng karagdagang increase na P2.49 kada kilometro.
Lumalabas na ang 82 kilometrong layo mula Balintawak hanggang Sta. Inez, Pampanga ay aabot sa P200 sa mga class A na sasakyan at tinatayang aabot naman sa P600 sa mga class C na sasakyan.
Sinabi pa ni De Jesus na ang construction sa NLEX ay halos tapos na at ang kulang na lang ay ang mga bagong gate sa mga exit points ng anim na linya nito.
Inaasahan sa darating na Oktubre matatapos na ang konstruksyon sa NLEX at maaaring mag-take over na ang MNTC sa operasyon nito. (Ulat ni Edwin Balasa)