Ito ang inihayag kahapon ni PNP spokesman P/chief Supt. Joel Goltiao habang mahigit 6,000 namang mga pulis ang ipakakalat sa palibot ng Batasan complex, Malacañang Palace at EDSA Shrine upang mangalaga sa seguridad dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga raliyista.
Ayon kay Goltiao, tatlong senaryo ang pinag-aaralan ng PNP kaugnay sa pangangalaga ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan malapit sa Batasang Pambansa upang hindi maabala ang mga commuters sa sandaling harangin ng mga raliyista ang nasabing mga lansangan.
Kabilang dito ay ang "Assumption A" hinggil sa posibleng pagtitipun-tipon ng mga protesters sa Elliptical Road/Commonwealth Avenue ay maaaring dumaan ang mga sasakyan sa Mindanao Avenue at lulusot sa Congressional Avenue hanggang sa makarating sa IBP Loop.
"Assumption B" naman kung ang Commonwealth Avenue/Tandang Sora ang apektado ay puwede namang dumaan sa Mindanao Avenue, Old Sauyo Road, Chessnut, Dahlia Avenue hanggang sa makarating sa Loop.
Samantala, "Assumption C" naman kung ang Commonwealth/Don Antonio Heights ang apektado ng mga raliyista ay maaaring dumaan na lamang sa Mindanao Avenue.
Ayon kay Goltiao, sa Mindanao Avenue pa rin ang dadaanan kung ang mga apektado ay ang Commonwealth/IBP Loop. (Ulat ni Joy Cantos)