Barker timbog sa panghahalay sa anak

Isang jeepney barker ang inaresto ng mga awtoridad makaraang gahasain nito ang 4-anyos nitong anak, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Kasalukuyang nakapiit sa CPD Novaliches Police Station ang suspect na nakilalang si Rolando Aloria ng Brgy. Bagbag, Novaliches ng nabanggit na lungsod.

Sa pahayag ng biktimang itinago sa pangalang Grace, dakong alas-11 ng gabi nagising siya nang tumabi ang kanyang ama sa kanya na walang anumang suot sa katawan at bigla siyang hinubaran.

Sa kabila umano ng pag-iyak ng bata ay isinakatuparan pa rin ng rapist na ama ang panghahalay.

At dahil sa lakas ng iyak ng bata at naalarma ang kanilang mga kapitbahay at dito nabuko ang ginawang panghahalay ng suspect. Mabilis din namang nadakip ang suspect.

Nabatid na iniwan ng kanyang asawa ang suspect na posibleng ang pinaghigantihan ay ang kanilang anak. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments