Lola nilooban saka pinaslang
July 20, 2004 | 12:00am
Nilooban at saka pinaslang sa pamamagitan ng pagtabon ng unan sa mukha ng hindi pa nakikilalang mga suspect ang isang 80-anyos na lola, kahapon ng umaga sa Marikina City.
Nakilala ang biktima na si Rosalla Mendoza, ng #113 Dela Pas St. Brgy. San Roque ng nabanggit na lungsod.
Batay sa imbestigasyon ni PO2 Glenn Aculana, natuklasan ang bangkay ng biktima dakong alas-11:45 ng umaga ng isa nitong kaanak.
Nabatid na maghahatid ng pananghalian sa matanda ang kaanak nitong si Marilou Mendoza, 37, subalit nagtaka ito dahil sarado ang pintuan ng bahay ng biktima at hindi ito sumasagot sa tawag.
Pagbukas ng pinto ng bahay ay nagulat na lamang si Marilou nang tumambad sa kanya ang wala nang buhay na biktima na nakahandusay sa semento at may nakadagan pang unan sa mukha.
Nasa tabi ng bangkay ng biktima ang isang supot na pinaglalagyan ng pera ng nasawi. Wala na ang pera nito.
Ayon sa pulisya, posibleng kilala ng matanda ang mga nanloob at posibleng nahuli ito ng matanda sa aktong kinukuha ang kanyang pera kaya ito tuluyang pinatay.
Isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended