Ayaw gumamit ng overpass: 2 katao nasagasaan, patay
July 19, 2004 | 12:00am
Bunga ng pagbalewala sa paggamit ng over pass,dalawa katao ang namatay makaraang masagasaan habang tumatawid sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City.
Kapwa dead on the spot ang mga biktima na sina Felipe Panganiban, 42, negosyante ng 18 Samonte St. Brgy. Holy Spirit, Q.C. at Felipe Caspillo, 34, ng 33rd St. West Rembo, Fort Bonifacio, Makati City.
Batay sa imbestigasyong tinanggap ni Supt. Ramon Marquez, hepe QC Traffic Sector 5, dakong alas 3:50 ng madaling araw nang mahagip si Panganiban ng rumaragasang Mitsubishi Lancer na may registration stickers number 6777890/2003 habang tumatawid sa ilalim ng over pass sa panulukan ng Commonwealth Ave. at BF Road, Q.C.
Samantala, dakong alas-10:30 naman ng umaga nang mabundol si Caspillo ng Hyundai Grace van na may plakang WMG-369 na minamaneho ni Leo Anthony Mendoza, 25, ng 2804 Yellowbell St. Area C, Camarin Caloocan City. Tumatawid si Caspillo malapit sa panulukan ng Commonwealth Ave. at BF Road nang masagasaan. Kusang loob namang sumuko si Mendoza.
Kapwa pagkabagok ng ulo at pinsala sa ibat ibang bahagi ng katawan ang ikinamatay ng mga biktima.
Ayon kay Marquez, dapat na sundin ng mga pedestrian ang paggamit ng mga over pass upang maiwasan ang anumang panganib mula sa mabibilis na motorista.
Sa kabila nito aminado din si Marquez na maraming nadidisgrasya sa lugar ng Commonwealth dahil na rin sa kawalan ng ilaw lalo na sa pagsapit ng gabi. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended