^

Metro

Bombang gamit sa WW II nalambat sa Manila Bay

-
Sa halip na mga isda, mga bomba at bala na ginamit noong World War II ang nalambat ng mga mangingisda sa Manila Bay, South , Harbor, Navotas.

Ibinigay na ng mga mangingisda sa Philippine Coast Guard ang anim na pirasong bomba at isang kahon ng bala ng iba’t ibang uri ng baril matapos na makuha nila ito sa Barge Pool ng Manila Bay.

Dala na rin ng pangamba na sumabog, ipinasya ng mga mangingisda na isuko na lamang ang mga ito sa kinauukulan.

Kasabay nito, inutos naman ni PCG chief Vice Admiral Arthur Gosingan ang pagsasagawa ng imbestigasyon at retrieval operation sa bisinidad ng barge pool sa paniniwalang marami pang bomba ang nasa ilalim ng dagat.

Mapanganib umano kung sa kamay ng ibang tao mapupunta ang naturang mga bomba dahil maaaring sumabog dala na rin ng kalumaan.

Ang nasabing bomba ay natitirang alaala ng malagim na sagupaan sa pagitan ng mga puwersa ng Japan kung saan kalaban nito ang pinagsanib na puwersa ng Estados Unidos at Pilipinas sa makasaysayang" Battle at the Manila Bay". (Ulat ni Danilo Garcia)

BARGE POOL

DALA

DANILO GARCIA

ESTADOS UNIDOS

IBINIGAY

MANILA BAY

PHILIPPINE COAST GUARD

VICE ADMIRAL ARTHUR GOSINGAN

WORLD WAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with