^

Metro

Shabu lab sa Tondo nadiskubre

-
Isa na rin ang lungsod ng Maynila sa talaan ng lugar na may shabu laboratory makaraang madiskubre ng mga tauhan ng Western Police District-Anti-Illegal Drugs ang iba’t ibang kagamitan sa paggawa ng shabu sa panulukan ng Abad Santos at Quiricada Sts. sa Tondo, Maynila.

Tinatayang kilo-kilong shabu ang magagawa sa natuklasang shabu laboratory sa isang abandonadong condo unit na sa #1753 Jose Abad Santos Ave. na sinasabing dating inuupahan ng isang Eugene Quetan.

Sa pahayag ni Alice Chan, may-ari ng condominium sa mga pulis, lilinisin niya ang iniwang condo unit ni Quetan nang makita niya ang ilang container ng ephedrine, chloroform, sodium hydroxide na sangkap sa paggawa ng shabu, machine dryer at digital weighing scale.

Nagsimulang umupa si Quetan kay Chan simula Hulyo 2002 hanggang Disyembre 2003 subalit pagkatapos nito ay hindi na muling nagpakita ang una sa huli kung kaya’t nagdesisyon na ito na linisin ang condo unit.

Bunga nito, agad na tumawag ng mga pulis si Chan at napag-alamang minsang ginawang shabu laboratory ni Quetan ang kanyang condo unit.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang malaman kung may koneksiyon ito sa iba pang shabu lab sa Kalakhang Maynila na una nang sinalakay ng mga awtoridad.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ABAD SANTOS

ALICE CHAN

EUGENE QUETAN

JOSE ABAD SANTOS AVE

KALAKHANG MAYNILA

LORDETH BONILLA

MAYNILA

QUETAN

QUIRICADA STS

SHABU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with