Foreman hulog sa gusali, dedo
July 17, 2004 | 12:00am
Basag ang ulo at bali ang buto sa katawan ng isang foreman sa construction site matapos na mahulog buhat sa ikaapat na palapag ng ginagawang gusali, kahapon ng umaga sa Tondo, Manila.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Rogelio Villaruzes, 30, may-asawa, tubong-Cebu at stay-in sa construction site sa #1254 Sanchez Ext., Tondo.
Sa ulat ng WPD-Homicide Division, naganap ang insidente dakong alas-7:45 ng umaga. Nagsasagawa umano ng inspeksyon sa ginagawa ng mga trabahador ang biktima sa 4th floor ng 7-storey na gusali nang madulas ito sa paglalakad.
Bumagsak na una ang ulo ng biktima sa ibaba sanhi upang mabasag ang bungo nito at magkabali-bali ang buto sa katawan.
Duda naman ang pulisya na aksidente ang naganap. Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang WPD upang mabatid kung may naganap na foul play.
Inaalam din ngayon kung may mga kagalit o may mga trabahador na may sama ng loob sa biktima na maaaring nagtulak dito kaya nahulog. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended