^

Metro

Cellphones ipagbabawal sa kolehiyo

-
Posibleng ipagbawal na ng Department of Justice (DOJ) sa mga estudyante sa kolehiyo ang paggamit ng cellphone upang mapigilan ang paglaganap ng illegal betting sa pamamagitan ng text messages.

Ayon kay Acting Justice Secretary Merceditas Gutierrez, makikipag-ugnayan at tutulungan sila ng mga school authorities upang maipatupad ang pagbabawal ng cellphones sa mga estudyante sa kolehiyo, partikular na kung ang mga ito ay nasa loob ng kani-kanilang unibersidad.

Kasabay din nito’y nagtalaga ang NBI ng hotline (524-1141) upang dito makipag-ugnayan ang sinumang nais makipagtulungan sa mga awtoridad upang mahuli ang mga tumataya at nagpapataya sa nabanggit na illegal betting.

Gayunman, inamin ng NBI na mahihirapan sila na sugpuin ang nasabing illegal na sugal sa mga estudyante dahil na rin sa takot ang mga ito na makipag-ugnayan at ituro sa mga awtoridad kung sinu-sino ang sangkot dito.

Tinitingnan din ng DOJ at NBI kung positibo ang ulat na mayroong mga financier na mga opisyal ng Phil. Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa nasabing illegal betting. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

ACTING JUSTICE SECRETARY MERCEDITAS GUTIERREZ

AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION

AYON

CRUZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

GAYUNMAN

KASABAY

POSIBLENG

TINITINGNAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with