^

Metro

Bebot pinaslang ng lover sa apartelle

-
Pinaghahanap ng mga tauhan ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU) ang isang lalaki na pinaniniwalaang pumatay sa kanyang kasintahan sa loob ng isang apartelle, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Walang mapagkakakilanlan sa biktima maliban sa ito ay may taas na 5’1 hanggang 5’2 talampakan, nasa edad na 20-22 at nakasuot ng asul na blouse at itim na pantalon.

Sinisikap naman ng mga awtoridad na makilala ang suspect mula sa isang video tape na nakalagay sa Imperial Apartelle na nasa No.8 Imperial St., Cubao, Quezon City.

Ayon sa pulisya, dakong alas-10:15 ng umaga nang matuklasan sa loob ng Room 108 ng naturang apartelle ang bangkay ng biktima.

Ayon kay Rodel Balabag, 30, roomboy na dakong alas-10 ng gabi kamakalawa ng mag-check-in ang biktima at suspect.

Dakong alas-5:10 ng madaling-araw nang makita nitong mabilis na umalis ang lalaki na hindi naman niya pinansin sa akalang iniwan lamang natutulog ang kasamang babae.

Dakong alas-10 ng umaga ay kinatok ni Balabag sa kuwarto ang biktima subalit hindi ito sumasagot, kung kaya nagduda ang roomboy kaya’t ipinaalam niya ito sa management ng apartelle na napilitan buksan ang kuwartong inakupahan ng dalawa.

Nakitang patay ang biktima na may nakapulupot na kumot sa leeg na pinaniniwalaang pinatay ito sa sakal ng suspect.

Isang manhunt operation ang inilunsad ng pulisya laban sa suspect. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

AYON

BALABAG

CENTRAL POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

CUBAO

DAKONG

DORIS FRANCHE

IMPERIAL APARTELLE

IMPERIAL ST.

QUEZON CITY

RODEL BALABAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with