2 KTV bar ipinasara ni SB
July 13, 2004 | 12:00am
Ipinasara kahapon ni Quezon City Mayor Feliciano "SB" Belmonte Jr. ang dalawang funhouses sa Quezon City dahil sa hindi pagbabayad ng buwis na umabot na sa mahigit na P3 milyon at sa pag-ooperate ng walang kaukulang permit mula sa city hall.
Lumabag sa QC Revenue Code of 1993 kaya pinadlock ni Mayor Belmonte ang Le Legende KTV sa Araneta Ave.na nasa kanto ng Quezon Ave. na pag-aari ng isang Cynthia Rogando-Co at ang Lexus Club and Restaurant na matatagpuan sa Timog Avenue na pag-aari naman ng isang Ludivina Javier.
Pinangunahan ni City Treasurer Victor Endriga ang mga tauhan ng QC hall at police operatives sa isinagawang pagsasara sa naturang funhouses.
Nabatid na umaabot sa P2.6 milyon ang utang sa buwis ng Le Legende mula 2002 hanggang 2004 at P2.4-M naman ang utang sa buwis ng Lexus sa kaparehong period.
Nilinaw din ni Belmonte na hindi na siya magkakaloob ng tax amnesty dahilan sa magiging unfair ito sa mga establisimentong nagbabayad ng tamang buwis. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest