Estudyante dedo,1 pa kritikal sa hit and run
July 13, 2004 | 12:00am
Patay ang isang 17-anyos na babaeng estudyante, samantalang nasa malubha namang kalagayan ang kaibigan nito makaraang salpukin ng rumaragasang kotse habang papatawid kahapon ng umaga sa Mandaluyong City.
Namatay habang nilalapatan ng lunas sa New Medical City sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Marie Kris Salvador, habang patuloy pa ring nasa kritikal na kondisyon sa nasabi ring pagamutan ang kaibigan nitong si Jefferson Metran, 18, kapwa estudyante at residente ng Fernandez St., San Juan, Metro Manila.
Mabilis namang tumakas ang hindi pa kilalang suspect sakay ng kanyang kulay Maroon na Honda CRV.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9 ng umaga habang tumatawid ang mga biktima sa kahabaan ng Shaw Blvd. sa harapan ng Star Mall Complex ng nasabing lungsod.
Bigla na lang sumulpot ang nasabing sasakyan na minamaneho ng suspect at sinalpok ang mga biktima na tumilapon ng ilang metro ang layo.
Agad namang isinugod sa nasabing pagamutan ang mga biktima ng ilang mga nagmamalasakit subalit namatay din si Salvador ilang oras sanhi ng grabeng pinsala sa ulo.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya para sa agarang pagkakadakip sa suspect. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended