Pulis sa anti-drug unit babawasan - NCRPO
July 12, 2004 | 12:00am
Babawasan na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga pulis na nakatalaga sa ibat ibang anti-drug unit ng mga police district sa Metro Manila upang maiwasan ang ibat ibang katiwalian na posibleng kasangkutan ng mga ito.
Sa kanyang ipinalabas na kautusan, sinabi ni NCRPO chief Director Ricardo de Leon, na simula ngayong linggo ay pitong pulis lamang ang itatalaga sa anti-drug unit upang maiwasan ang pambabangketa ng mga tiwaling pulis.
Ayon kay de Leon, mahigpit niyang ipinagbabawal ang pagsasagawa ng anumang operasyon laban sa mga pinaniniwalaang drug user at pusher sa labas ng kanilang hurisdiksiyon.
Subalit kung magsasagawa ng pagsalakay sa kuta ng mga pusher, kailangan umanong may written consent na aaprubahan ng kanilang district o station commander.
Iginiit ni de Leon na itatalaga sa mga anti-drug unit ang pulis na walang anumang derogatory record upang ipakita sa publiko na sinsero ang kapulisan na labanan ang iligal na droga.
Ginagawang gatasan umano ng mga tiwaling pulis ang pambabangketa ng mga kasong may kinalaman sa droga.
Ang hakbangin ni de Leon ay sinang-ayunan naman ni Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force (AID-SOTF) chief General Edgardo Aglipay.
Sinabi ni Aglipay na tapos na ang masasayang araw ng mga pulis na sangkot sa iligal na droga at isusunod na rin nilang palakasin ang anti-drug units ng provincial, municipal at city level ng mga police stations sa ibat ibang lalawigan. (Ulat nina Doris Franche at Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended