Nakilala ang mga sumuko na sina William Ramos, 30 at Wilfredo Diamante, 60 na kapwa umaming bahagi ng destabilisasyon ang ginawa nilang pagtatanim ng bomba sa ibat ibang lugar sa Metro Manila.
Kasabay nito ay lalong idiniin nina Diamante at Ramos si Linda Montayre, secretary general ng Peoples Consultative Assembly na siya umanong utak sa planong destabilisasyon laban sa kasalukuyang gobyerno na isinakatuparan ng grupo ng nadismis na police colonel na si Roberto Camarista.
Si Camarista ay naunang sumuko noong nakalipas na Hunyo 25 matapos na madakip ang tatlo nitong caretakers sa isinagawang raid sa Cainta, Rizal noong Hunyo 23.
Binanggit pa nina Ramos at Diamante na kasama lamang sila sa usapan sa pagpaplano pero hindi sa aktuwal na pagtatanim ng mga bomba. (Ulat ni Joy Cantos)