^

Metro

Bridge Program ng DepEd tuloy na

-
Sa kabila ng pagbatikos ng iba’t ibang militanteng grupo at mga magulang, itutuloy pa rin ng Department of Education (DepEd) ang kanilang programang "Bridge Program" para sa mga first year high school student na nag-aaral sa mga pampublikong paaralan.

Sa ginawang Parent Teacher Association (PTA) meeting kahapon sa Parang High School, Brgy. Parang, Marikina City ay agad na nagkagulo ang mga magulang nang ipaalam ng mga guro na muling isasailalim sa "Bridge Program" ang kanilang mga anak sa darating na Agosto, pagkatapos ng first quarter ng klase.

Binatikos ng mga magulang ang pabagu-bagong isip ni DepEd Secretary Edilberto de Jesus hinggil sa pagpapatupad ng naturang programa.

Inaangal din ng ilang mga magulang na bakit kailangan pang mag-test uli ang kanilang mga anak na nakapasa na sa isinagawang High School Readiness Test (HSRT) noong nakaraang buwan.

"Bale nawalan ng silbi ang pinaghirapan ng mga anak namin noong nakaraang pagsusulit", pahayag ng mga galit na magulang.

Nakasaad sa Memorandum Order No. 225 na ipinadala ng DepEd sa lahat ng pamunuan ng pampublikong paaralan sa sekondarya, ang dating High School Readiness Test ay ginawa lang National Diagnostic Test on Reading (English), Science at Math at ito ay ipatutupad sa lahat ng estudyanteng nasa unang baitang ng high school sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa.

Gagawin ang naturang pagsusulit sa Agosto pagkatapos ng first grading ng klase.

Nabatid na hindi na optional kundi mandatory na ang gagawing pagsusulit at ang hindi makakapasa ay dadaan sa isang taong "Bridge Program" na ang pag-aaralan lang ay mga subjects na Math, Science at English na kailangan naman nilang maipasa para makapasok sa regular high school. (Ulat ni Edwin Balasa)

AGOSTO

BRIDGE PROGRAM

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDWIN BALASA

HIGH SCHOOL READINESS TEST

MARIKINA CITY

MEMORANDUM ORDER NO

NATIONAL DIAGNOSTIC TEST

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with