Larawan ng mga 'pulis-hulidap' hawak na ng mga Tsinoy
July 9, 2004 | 12:00am
Hawak na ng mga Tsinoy ang litrato ng opisyal ng WPD at mga tauhan nito bilang ebidensiya sa sunud-sunod na hulidap sa mga negosyante sa Binondo at Sta. Cruz, Maynila.
Ayon kay Teresita Ang See ng Citizen Action Against Crime (CAAC) na nasa kanilang posesyon ang litrato ng police official na utak sa pagdukot at paghingi ng ransom sa mga negosyanteng Intsik.
Isinumite na ito kahapon ng CAAC kay PNP Chief Director General Hermogenes Ebdane para isailalim sa imbestigasyon.
Kalat na rin sa buong Chinese community ang pagkakakilanlan sa naturang police official at hiniling ng mga ito kay Ebdane na huwag na itong paupuin sa puwesto habang may reklamo. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am