^

Metro

2 misis pinagtatalunan ang comatose na mister

-
Humingi ng tulong sa Pasig Regional Trial Court ang isang 43-anyos na babaeng negosyante upang pigiling tanggalan ng "life support" ng pamunuan ng isang ospital ang kanyang asawa sa pag-uutos ng una nitong asawa.

Ayon kay Agnes Engulto, pangalawang asawa ni Manuel Abad na kasalukuyang comatose sa New Medical City sa Mandaluyong na handa siyang ubusin ang kanyang salapi para lamang mailigtas ang kanyang asawa upang makapiling muli kasama ang kanilang dalawang anak.

Sa pagdinig ng kaso kahapon sa sala ni Judge Bricco Ynaga ng Pasig RTC Branch 153, nabatid na inatake sa puso si Manuel Abad, 57, isang health consultant sa isang ospital na pag-aari ni Engulto, noong Hunyo 14 ng gabi at itinakbo sa nasabing pagamutan. Naging comatose ito at kinakailangang lagyan ng life support system para mabuhay at kinakailangan ng P60,000 kada araw na gastos para sa mga gamit.

Subalit isang linggo ang nakalipas ay lumala ang kalagayan ni Abad kaya nagdesisyon ang unang asawa nito na si Ma. Cristina Abad na putulin na ang life support para hindi na rin maghirap si Manuel.

Mariin naman itong tinanggihan ni Engulto dahil wala raw karapatan si Ma. Cristina na patayin ang buhay pa.

Sinabi rin ni Engulto na siya ang gumagastos ng P60,000 kada araw para sa life support system ni Manuel Abad. (Ulat ni Edwin Balasa)

ABAD

AGNES ENGULTO

AYON

CRISTINA ABAD

EDWIN BALASA

ENGULTO

JUDGE BRICCO YNAGA

MANUEL ABAD

NEW MEDICAL CITY

PASIG REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with